LUMUWA ang aming mga mata nitong huling nakita si Diana Zubiri.
Tunay na kaakit-akit pa rin siya kahit may asawa’t anak na.
Nang amin siyang makapanayam, inamin niya na ito ay ang resulta ng kanyang ibayong pagpupursige. Aniya, todo ehersisyo at tamang pagkain ang pinapraktis niya.
Request ba ito ni mister, tanong namin.
Napangiti ng ubod tamis si Diana bago sumagot. Aniya, “Actually, ginagawa ko ito para sa mga male fans ko.”
Wow, huh.
Pinagdiinan ni Diana na walang halong bola ito.
“Hindi kasi ‘di ba, ayoko rin naman silang ma-disappoint,” aniya.
“Nakilala naman ako as, you know, sa pagpapa-sexy before. Siyempre gusto ko pa rin na kahit paano, kung paano nila ako before nakilala, ganun pa rin ako. Even though I am a mom na, ganu’n pa rin.”
Well, kung kami ang tatanungin mas bumongga pa nga yata ang beauty nitong si Diana.
Matatandaan na una siyang sumikat nang ibuyangyang ang sexy body niya sa EDSAfor the cover of a men’s magazine.
Sinundan nga ito ng ilang mapangahas na mga pelikula na sadyang tumabo sa takilya.
Pero hindi pumayag si Diana na hanggang doon na lang siya. Di kalaunan ay pinasok na nito ang mainstream entertainment.
Tuluyang sumikat nang husto si Diana bilang isa sa mga Sangg’re and the rest nga is history.
Mapapanood muli si Diana sa “Dragon Lady,” bagong palabas ng GMAsa kanilang Afternoon Prime.
Nanay siya ni Janine dito.
Take note, 29 si Janine, at 33 lang si Diana.
Bakit siya pumayag?
“Wala akong nakikitang problema doon. Maganda ang role at miss ko na ang TV work.”
Fine! (DELIA CUARESMA)