HINDI kami makapaniwala na single pala itong si Yen Santos.
Bukod sa maingay ito ngayon dahil na rin nga sa maganda niyang performance sa hit na teleseryeng “Halik,” seksing-seksi at napakaganda nito.
Ilang beses na rin nga nitong kinabog ang mga netizens sa pamamagitan ng pag-post ng mga litrato sa Instagram kung saan lantad ang kanyang hubad na kariktan.
Nang tinanong namin ito minsan kung bakit wala pa siyang boyfriend, ani ng 26-year-old, “Medyo pihikan talaga ako.”
“Wala naman masama na maging mapili dahil ang tagal ko na rin kasing naging single,” eksplika pa niya. “Sanay na ako.”
May ganun?
“Siguro talagang hinihintay ko na ang the one,” diin ni Yen. “Gusto ko kasi kapag nagkaroon ako ng boyfriend, siya na ‘yung makakasama ko talaga sa buhay.”
“Kasi 26 na ako, so parang ang mindset ko pag nag-30 ako mayroon na akong pamilya,” dagdag pa niya.
Apat na taon nang walang boyfriend ang dalaga. Kaya tinanong namin siya kung ano ang pinaka-miss niya sa pagkakaroon ng karelasyon.
Sey naman niya, “Nakaka-miss ‘yung palaging may ka-text ka, ‘yung nag-good night sa ‘yo, good morning, ‘yung may nagsasabi ng ‘I love you,’ ‘yung pagsasabihan ko din ng ‘I love you, too.’”
Kaya pala tila ganun na lang siya kagigil sa mga kissing scenes niya with her leading men sa “Halik” na sina Jericho Rosales at Sam Milby.
“Grabe! Hindi naman gigil,” aniya sabay tawa ng malakas.
If I know… (DELIA CUARESMA)
298638 391838There is an ending. Just remember that I meant for this to be an art game. I do feel like I spent an inordinate amount of time on the more traditional gameplay elements, which may possibly make the meaning with the game a bit unclear. If you mess around with it though, you will uncover it. 828510
858721 990235There will likely be several entirely different portions about the LA Weight reduction eating plan and one is really essential. Begin stage is your in fact truly of these extra load. weight loss 528060
617139 533804I genuinely enjoyed this. It was extremely educational and useful. I will return to examine on upcoming posts 263043
460252 804770They call it the self-censor, basically because you are too self-conscious of your writing, too judgmental. 995118
738071 402403I visited plenty of site but I conceive this 1 holds something particular in it in it 454255
280849 791483Some truly very good content material on this web site , appreciate it for contribution. 561940