Dear Ms. Rica,
Kapag nanonood ako ng porn, madalas akong nakakakita ng advertisement na gel na pampalaki ng ari ng lalaki. Tapos sinasabi din nila na nakakapagpatibay at nakakapag patagal pa nga daw ng pagiging matigas. Interested po ako sana.
Salamat po,
Unicorn horn
Hi Unicorn horn,
Nasagot ko na ito last week, pero parang mas dumami ang gusto makaalam tungkol dito.
Alam naman nating lahat na minsan may mga advertisements na medyo exaggerated or misleading.
Puwedeng yung mga ads nanakita mo ay hindi exception dito. ‘Yung mga pumps ay nakakatulong magkaroon ng erections for a short period of time pero hanggang doon lang yon. Walang evidences na merong longer lasting effects ang mga ito.
Although there are other procedures na available para sa mga nais magpalaki ng kanilang mga pagkalalaki.
Ang mga pump or vacuum ay nagfoforce ng hangin palabas kaya naman ang dugo ay nagtutungo sa penis at nagiging erect ito.
Usually, merong rubber constriction ring na puwedeng isuot sa penis para manatili itong erect during sexual activity. Pero hindi ito nakakapagpatagal ng performance at achievement of climax.
At hindi din ito nakakapagpalaki than your normal size. Merong mga penile augmentation surgeries na nagiinject ng fat, silicone, or soft tissue filler na nakakadagdag sa sukat or taba ng penis pero nalilink din ito sa deformity, decreased sensation or impaired functionality.
Meron din namang mga hyaluronic acid gels and extenders. Pero kapalit nito ay decreased sensation during sex. Ang extenders naman ay ginagamit to straighten the penis or pang maintain sa nagundergo na ng augmentation.
Kailangan mong malaman na ang mga pampalaki ng ari ay hindi necessary para magkaroon ng fulfilling sex life. Mas importante pa rin ang constant communication and understanding of what you really want and what is pleasurable for you and or your partner.
Of course, importante lagi ang pagiging safe but always have fun.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.