PATULOY pa rin kaya o tumigil na si Angelica Panganiban sa kanyang countdown kaugnay sa kagustuhan niyang mag-asawa na this year? May nine months pa bago matapos ang 2019.
Sa isang interbyu, sinabi ni Angelica na nasa right age na siya para mag-asawa at magkaanak.
Wala pa nga lang siyang nahahanap na Mr. Right para maging husband. Marami ang umasa na magkakabalikan sila ni Carlo Aquino.
Marami ang na-disappoint na hindi nangyari ‘yun. Friendship over na sila at ayaw na ni Angelica makatrabaho si Carlo. Hindi na sila nag-uusap.
Sa recent interview with Angelica, sinabi niyang pinaasa lang siya ni Carlo. Sinabi raw nito sa kanya na umasa siya. Sabi naman ng ilang netizens, assumera raw kasi si Angelica.
IDOL
Kapag nagka-solo concert si Rita Daniela, gusto niyang si Jolina Magdangal ang maging guest niya. Idol niya ito na aniya, noong nagdyo-join siya sa mga singing competition ay si Jolina ang kanyang peg.
Dream niyang maka-duet ito kapag nabigyan siya ng pagkakataong makapag-solo concert.
Si Jose Mari Chan naman ang idol ni Ken Chan at wish niyang magkasama sila sa isang concert. Nilinaw ni Ken na hindi sila magkamag-anak ni Jose Mari, magkaapelyido lang sila.
Thankful sina Ken at Rita na tinangkilik ang love team nila sa “My Special Tatay.” Nabuo ang Team Bobrey. Boyet at Aubrey ang respective names nila sa MST.
Ani Rita, Aubrey ang tawag sa kanya kapag nagmo-mall show sila at Boyet naman ang tawag kay Ken. Aniya pa, naging inspirasyon siya ng mga pokpok na magbagong-buhay at umasang may lalaking tulad ni Boyet na magmamahal sa kanila. Pokpok ang role ni Rita sa MST.
Ayon naman kay Ken, may mga nanay na lumalapit sa kanya na may mga anak ding may intellectual disability. Nakaka-relate sila sa sitwasyon ni Boyet na karakter ni Ken sa MST.
LIVE-IN DIN?
Umamin na sina James Reid at Nadine Lustre na nagli-live-in na sila. Umamin na rin kaya sina Jake Cuenca at Kylie Versoza? May tsikang diumano’y nag-li-live-in na rin sila.
Sinu-sino pa kaya ang aamin na live-in partners?