Hi Ms. Rica,
Virgin pa ako at intact pa ang hymen ko. Curious lang ako kung ano ang pwedeng mangyari kung makipagsex ako sa boyfriend ko? Kapag finger lang ba ay mapupunit ang hymen ko? Kapag nag-sex na kami, totoo bang duduguin ako? Ano po ba ang dapat ko i-expect? Salamat po,
First Timer
Hello First Timer,
Salamat sa tanong mo. I’m glad na pinag-iisipan mo kung ano ang dapat na i-expect mo kapag nakipag sex ka na. Tama lang na nag-reresearch ka sa mga dapat malaman bago mo ibigay ang iyong “virginity.”
After doing it for the first time, madami kang pwedeng maging reaksyon at maramdaman. Emotionally, puwede ka maging intimate at affectionate sa iyong partner. Puwede ka rin makaramdam ng intense happiness dahil sa hormones na narerelease kung ikaw ay mag-oorgasm.
Bukod dito ay pwede ka rin makaramdam ng lungkot, galit, o pagsisisi. Kaya dapat talaga na maging mentally, spiritually, at physically ready ka bago mo “isuko ang Bataan.”
Physically during the act, puwede ka rin makaramdam ng wetness o pagkabasa ng ari at kung magaling kayo ng iyong partner ay pwede makaramdam ng orgasm! Yay!
On the other hand, pwede ka ring makaramdam ng soreness o pagkahapdi sa iyong vagina, numbness o pagka-manhid, at irritation o pagkakati. Possible din na magkaroon ka ng infections tulad ng urinary tract infection, vaginal infection, or any sexually transmitted infections.
Para maiwasan ito, importante na maging malinis ang iyong genitals by washing, drying, and using clean underwear. Importante din na gumamit ng condom para maiwasan ang STIs.
Lastly, kung nageexpect ka na magkakaroon ng “fireworks” ang iyong first time ay baka kailangan mong itong i-let go. Hindi pareho ng nababasa at napapanood mo sa movies ang mangyayari sa iyo.
Madalas, hindi nagiging remarkable and memorable ang first time, so kaysa taasan mo ang iyong expectations ay mas mabuting magrelax ka na lang at i-enjoy ito. Good luck!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.