SORRY na lang sa AlDub fans na humihiling na mapanood na magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang episode ng Lenten Drama Specials ng “Eat Bulaga.” Magkahiwalay silang lalabas sa special dahil sa ginawang palabunutan kung sinu-sino ang magkakasama.
Mala-pelikula ang mga episode na ginawa ng Dabarkads para sa special. May mga location shoot pa nga sila sa Japan, Hong Kong at Myanmar ang taping.
Sina Senator Tito Sotto, Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros at Anjo Yllana ang mga kasama ni Maine, samantalang sina Joey de leon, Pia Guanio, Wally Bayola, Ryan Agoncillo at Baeby Baste ang ka-grupo ni Alden.
How true naman kaya ang tsika na diumano, umiiwas na si Maine kay Alden? Kapag tipo raw aalalayan ni Alden si Maine o hahawakan ang kamay nito’y pumapalag daw ang dalaga. Nagpapaka-gentleman lang naman daw si Alden sa pag-alalay kay Maine.
Pansin daw ng mga taong nakapaligid sa dalawa’y nagbago si Maine ng pakikitungo kay Alden mula nang maging open na sa kanilang special relationship sina Maine at Arjo Atayde.
Gano’n nga kaya ‘yun?
STARSTRUCK
Wala pang plano sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa kanilang summer vacation. Parehas daw kasi silang busy sa kanilang respective works. Nagte-taping na si Jen ng upcoming rom-com series niya with Gabby Concepcion, ang “Love You Two.”
Ani Jen, nai-starstruck siya kapag ka-eksena niya si Gabby. Dati raw kasi’y pinapanood lang niya ito. Ngayon ay katrabaho na niya, kaya parati siyang excited kapag magka-eksena sila. Nagiging fan girl siya.
KAABANG-ABANG
Last two episodes na lang ng “My Special Tatay” at kaabang-abang kung ano’ng mangyayari sa karakter ni Teresa Loyzaga (Olivia). Sobrang sama ng karakter niya na pati ang mga anak niyang sina Orville (Bruno Gabriel) at Odette (Jillian Ward) ay galit sa kanya.
Proud naman ang “MST” cast dahil ang kanilang serye ay nagwagi sa Box-Office Entertainment Awards bilang Best Daytime Drama Series. Wagi rin si Ken Chan bilang Best Actor in Daytime Drama. Best TV Lead Performance in Daytime Series naman sila ni Rita Daniela sa Gawad-Tanglaw Awards.
Mapapanood na rin sa Spain, Peru, Ecuador, Venezuela at Costa Rica ang “My Special Tatay.” Naka-dubbed ito sa Spanish.