SPOTTED si John Lloyd Cruz sa isang pares mami house at nagpaunlak pa siyang magpakuha ng picture kasama ang dalawang netizens. Agad naipost ‘yun sa socmed.
Base sa nakita naming pictures ni John Lloyd, medyo tumaba siya, kulut-kulutan ang medyo long hair niya, may bigote at balbas pa.
Balitang diumano, magsasama sa isang product endorsement sina John Lloyd at Piolo Pascual. Winelkam pa nga ni Piolo si John Lloyd bilang kapamilya ng produktong ini-endorso niya.
Noong aktibo pa sa showbiz si JLC, ang dami niyang TV commercials. Nang mag-desisyon siyang mag-indefinite leave, unti-unting nabawasan ang endorsements niya hanggang tuluyang nawala na ang mga ito.
Marami ang naghinayang dahil isa si JLC sa showbiz na most in-demand product endorsers Marami pa sana siyang kikitain kung hindi niya iniwan ang showbiz.
CONFIRMED!
No need na aminin nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa na officially together na sila. Kung dati’y si Jake lang ang nagpo-post ng sweet photos nila ni Kylie, nag-post na rin ang former beauty queen ng sweet photos nila ni Jake na ikinakilig ng ilang netizens.
“Confirmed!” anila tungkol sa namamagitan between Jake and Kylie. Matagal-tagal na rin silang nali-link romantically since nagkasama sila sa seryeng “Los Bastardos.” Pero walang pag-amin mula sa kanilang dalawa.
Noong nag-guest si Kylie sa “Minute to Win It,” pasimpleng tinukso siya ni Luis Manzano at binanggit nito si Jake. Ngumiti lang si Kylie. ‘Yun na! Si Kylie na kaya ang forever ni Jake? Marami-rami na ring nakarelasyon ang aktor na nauwi sa hiwalayan.
KABUGAN
Sabi ni Martin del Rosario sa isang interbyu, hindi na muna siya tatanggap ng gay role after “Born Beautiful.” Baka raw kasi ma-typecast siya sa ganoong role. Pero hindi niya natanggihan ang offer ng isang film outfit na mag portray ng gay role uli.
Bukod sa maganda ang material, magkakasama pa sila ni Christian Bables for the first time with Paolo Ballesteros. Gaganap sila bilang magkakapatid na beki.