DAHIL sa kanyang pinost na black and white photo via Instagram mukhang handa na ulit magmahal ang Kapuso actress na si Katrina Halili.
Naka-piggyback ride ang aktres sa likod ng isang misteryosong lalake.
Hindi naman makita ang hitsura ng lalakeng nagpapaligaya ngayon kay Katrina.
“One day, someone will walk into your life and make you see why it never worked out with anyone else,” caption pa niya sa IG.
Ilang taong iniwasan ni Katrina ang ma-involve sa mga lalake simula noong maghiwalay sila ng ama ng kanyang anak na si Kris Lawrence. Bagama’t friends naman daw sila ni Kris, malayo raw na magkabalikan sila ni Kris dahil may ibang girlfriend na raw ito.
Pero ilang netizens na nagsabi na baka ang guy ay ‘yung foreigner na nakasama nila Katrina noong magbakasyon ito kasama ang ilang mga kaibigan sa El Nido, Palawan.
May katabi kasi si Katrina na isang foreigner guy sa isang boat ride nila noong mag-island hopping sila.
Anyway, maraming happy para kay Katrina dahil nakahanap na ito ng lalakeng magiging inspirasyon niya at magpapainit sa kanya ngayong summer. (RUEL J. MENDOZA)