TOTOO kaya ang tsismis na madre na ang dating aktres na si Chin Chin Gutierrez?
Nagsimula ito sa social media kung saan may nag-post ng larawan ni Chin Chin at tinawag ito sa pangalang “Sister Lourdes.”
“GOD really works in ways we could hardly fathom! Congratulations for answering the call to Vocation SR. LOURDES. PRAYERS FOR YOU…” saad sa caption ng Facebook post ni Vicksay M. Josol.
Huling nakita sa TV si Chin Chin noong 2010 kung saan naging laman ng balita ang pagkasunog ng kaniyang bahay.
Una nang nasunog ang bahay noong 2006, kung saan nagtamo ng paso sa kuha at paa si Chin Chin.
Kasunod noon ang pagpanaw ng kanyang ina.
Pagkaraan ng ilang taon, napabalitang pumasok sa kombento ng Carmelite Sisters ang aktres.
Hanggang ngayon ay wala pa ring kompirmasyon kung talagang magma-madre nga si Chin Chin. (DELIA CUARESMA)