HINDI ikinaila ni Kim Domingo ang tsismis na “live-in” na sila ng boyfriend na model-basketball player na si Michael “Mike” Acuña.
Aniya ng 25-anyos na seksing tisay, “Live-in na kami. Nu’ng naging kami, nag-live in na kami.”
Tatlong taon na ang relasyon ng dalawa nguni’t wala pa raw silang balak magpakasal.
“Ayoko pa rin naman kasi ang dami ko pang gustong gawin,” ani Kim.
Breadwinner si Kim at hindi raw niya kayang pabayaan ang pamilya niya.
“May mga pinag-aaral ako, so hindi pa puwede talaga,” diin niya.
Pero siyempre, umaasa ang dalaga na sa kasalan pa rin sila hahantong ni Mike.
“Oo, sana, kasi okay naman kami, I mean, wala naman kaming issues. May mga konting ano, tampuhan, away, oo, pero hindi naman malaki.”
Medyo gusto na raw umalpas ni Kim sa sexy image niya. Susubukan nga niya ang comedy sa bago niyang pelikula na “Kiko en Lala” opposite Tekla.
Paliwanag niya, “Ginawa ko siya hindi para matuwa sa akin ang mga tao kundi dahil dun na ako ngayon mas masaya.”
Okay, fine. (Delia Cuaresma)