NAUNANG itinanggi ni Bianca Umali na nagkarelasyon sila ni Miguel Tanfelix, kaya itinanggi rin ni Miguel na naging “sila.”
Na-hurt kaya siya sa pag-deny sa kanya ni Bianca? Lihim na lang natawa ang mga kausap nilang entertainment writers sa set ng isang pelikulang ginagawa nila.
Alam ng malalapit na press kina Miguel at Bianca na four years sila together at alam din ‘yun ng mga close friends nila, their respective families at co-workers.
Joke nga ng press, sina Miguel at Bianca lang daw pala ang hindi nakaalam na naging “sila.”
‘Kaloka! Mag-tanggihan ba talaga?
Bawal tanungin si Bianca tungkol sa kanyang lovelife, kaya hindi na humirit pa ang press. For sure, idi-deny din niya na may something special between her and Ruru Madrid.
As for Miguel, walang nali-link sa kanya after mag-break sila ni Bianca. Fake news ‘yung sa kanila ni Kyline Alcantara na kesyo ito ang dahilan ng break-up nina Miguel at Bianca.
IKINASAL NA
Ikinasal na pala si Rainier Castillo, dating Starstruck 1 member. Si Yasmien Kurdi ang nagbalita nito na aniya, two or three months ago ikinasal si Rainier sa non-showbiz girlfriend nito.
Muntik nang magtampo si Yasmien dahil hindi siya inimbita ni Ranier. Sila ang magka-love team noon sa “Starstruck batch 1.” Pero never naging “sila” ayon kay Yasmien.
Si Sheena Halili ang naging girlfriend noon ni Rainier. Ayon kay Yasmien, walang inimbita si Ranier sa kasal niya sa mga ka-batch nitong “Starstruck.” Si Mark Herras ang best friend ni Ranier sa batch nila at parati silang magkasama noon sa hang-outs nila.
ENGAGED NA
Engaged na sina Luane Dy at Carlo Gonzalez. Pinsan ni Carlo sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap na may kanya-kanya nang pamilya ngayon. Dalawa na ang anak ni Dingdong kay Marian Rivera at isa naman si Arthur kay Rochelle Pangilinan.
Eight years na ang relationship nina Carlo at Luane. Wala pang detalye kung kailan ang kanilang kasal. Magiging official member na rin ng pamilya Dantes at Gonzales si Luane na soon-to-be bilas nina Marian at Rochelle. Bahagi si Luane ng “Unang Hirit” at “Eat Bulaga.”