ITO ang sabi ng aming kaibigan nang minsang masilayan ang mga litrato ni Dawn Chang sa Instagram.
Agree kami sa kanya.
Babae kami pero grabe naman talaga itong si Dawn.
Tila baga nananadya ang dalaga na pag-initin ang mga kalamnan ng kanyang mga followers.
We’re sure init na init rin ang mga D.O.M. na punumpuno ng pagnanasa sa kanya.
Minsan na kasing naikwento sa amin ni Dawn na may ilang mahaharot na indibidwal na naghain sa kanya ng indecent proposal.
Ang ilan daw rito ay mga tiga-showbiz din. Ang ilan naman ay politico at kasulukuyan daw nanunungkulan sa bayan.
Grabe huh?
Ayon kay Dawn iba-ibang bagay daw ang inaalok sa kanya katulad ng sasakyan at bahay, biyahe across the world at kung anu-ano pa.
Siyempre pa tinangihan niya lahat iyon.
Ayaw daw niya magsisi sa huli.
Never daw niyang gagawin na ilagay sa alanganin ang sarili dahil lang sa pera.
Ikaw na! (DELIA CUARESMA)