IN high spirits si Heart Evangelista-Escudero dahil sa pagkapanalo ng husband niyang si former senator Francis “Chiz” Escudero bilang governor ng Sorsogon sa katatapos lang na eleksyon.
Maagang na-proclaim si Chiz bilang governor dahil sa nakuha nitong total votes na 303,000 kumpara sa kalaban nitong si Bladi Frivaldo na 31,800 lamang.
Tinanong tuloy si Heart kung sa Sorsogon na ba siya titira dahil doon na mabe-base si Chiz dahil sa posisyon nito.
Sinigurado ni Heart na Manila-based pa rin siya dahil sa kanyang showbiz commitments pero tuwing kailangan daw siya ng kanyang asawa, hindi raw puwede na mawala siya sa tabi nito.
Pero type din daw ni Heart na magkaroon ng sariling bahay sa Sorsogon. Wish din niyang makapagpatayo ng animal shelter sa naturang probinsya.
“I will for sure do everything I can to help my husband and help Sorsogon.”
“You know I don’t mind having a little house there. I really love goats and I really wish to have a shelter there for dogs.
“If things turn out the way we want, as much as I can, I really want to help out in the animals there. I don’t mind actually staying there. I really enjoy it there, super,” sey ni Heart.
Bukod sa sisimulan niyang bagong show sa GMA-7, busy rin si Heart sa nasimulan niyang international movie in China.
“It’s my first international and it’s my first action movie. And I got the lead role! So, parang medyo pressure siya kasi I really have to work out and I really have to be fit or else ‘di ko kakayanin.
“You’ve never seen me like this. Even me, I’m shocked, kapag napapanood ko ‘yung sarili kong ginagawa ‘yung ginagawa ko,” sey pa ni Heart.
Kinlaro pa ng Kapuso actress na ang ginagawa niyang movie ay hindi sequel ng “Crazy Rich Asians.” (RUEL J. MENDOZA)