MAULAN na pero very summer pa rin ang mindset nitong si Andrea Torres.
Yes, indeed. Tuloy pa rin po sa pagbisita sa iba’t ibang beach ang seksing aktres.
Ito nga at punumpuno ng mga pictures ang Instagram niya ng mga litrato na kuha kailan lamang nang bumisita siya sa Maldives.
Siyempre pa, karamihan dito eh pawang naka-bikini siya na gustong-gusto naman ng kanyang mga followers.
Marami nga ang nagsasabi na kung may artista man ngayon na maaring sabihing nagmana ng bansag na “Body Beautiful” mula kay Vivian Velez, ito ay walang iba kung hindi si Andrea.
Wala naman sigurong aalma.
Meron Ba? (DELIA CUARESMA)