HINDI pinilahan sa mga sinehan nung pinalabas ang first solo action-thriller ni Cristine Reyes na “Maria.” Sa katunayan ay nag-first day, last day ito sa ibang mall theaters.
Pero salamat sa Netflix ay mapapanood na ito ng mga hindi naabutan ang pagpalabas nito sa mga sinehan.
Nasa 4th spot na ang Maria sa “most-watched non-English language titles of the week in UK” ayon pa sa Deadline, isang Hollywood entertainment website.
Ang “Maria” ay mula sa direksyon ni Pedring Lopez at tungkol ito sa isang former female assassin na gustong mabuhay ng normal at tahimik, pero ginulo pa rin siya ng mga dati niyang sinamahan na grupo. Pinatay ng mga ito ang kanyang pamilya at pinatikim niya sa mga ito ang kanyang higante.
Kasama ni Cristine sa “Maria” sina Ivan Padilla, KC Montero, Guji Lorenzana, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb, and Ronnie Lazaro.
Available for streaming din sa Netflix ang “BuyBust” at “Aurora” ni Anne Curtis, at ang “FPJ’s Ang Probinsyano” series ni Coco Martin. (RUEL J. MENDOZA)