NAPA-WOW ang mga followers ni Janine Gutierrez sa mga ipinost niyang mga litrato sa Instagram nitong huli.
Pak na pak ang alindog ng dalaga, complete with toned abs.
Siyempre, tuwang-tuwa si Janine sa reaksyon dahil aniya, resulta ng hardwork ang lahat.
We could only imagine. Take note huh, 27-days lang niya trinabaho ang abs niya.
Ano kayang klaseng diet at workout ang ginawa niya?
Una na rito nag-focus talaga siya. It helped na naka-schedule na talaga ang photoshoot niya para sa isang magazine.
Kwento ni Janine, “I’m that type of person that if I don’t have a beach trip or kung wala naman akong pinaghahandaan na shoot, I’m medyo tamad talaga mag-workout. That’s why I was excited to say yes, to push myself, and to have a reason, to have a goal.”
Sunod nito, kailangan may trainer ka na kasing dedicated mo.
Sa kaso ni Janine, magaling daw ang trainer niya dahil, “he worked with my goals and worked with workouts that I enjoyed.”
Pinaligiran din daw niya ang sarili ng mga taong todo suporta sa goal niya, kasama na nga rito ang pinaguusapang boyfriend na niya na si Rayver Cruz.
Sa pagkain naman aniya, “Diet was so important. Kailangan talaga siya i-incorporate sa lifestyle.”
O ayan huh, you can be like Janine na! (DELIA CUARESMA)