MASAYA man sa piling ng kanyang Irishman boyfriend na si David Rainey, iginiit ni Glaiza de Castro na wala pa raw siyang balak mag-asawa.
Marami pa raw siyang gustong gawin in terms of her career, kasama na nga dito ang matuto ng music production.
Tutulak si Glaiza sa Liverpool, England sa mga darating na linggo upang doon mag-aral.
Ilang buwan din daw siyang mawawala so, pahinga muna siya sa TV at film work.
Nang kamustahin namin ang relationship niya with David, umamin si Glaiza na hirap siya sa long-distance na set-up nila.
Madalas daw ay through WhatsApp at FaceTime lang sila nag-uusap at nagkikita.
Pero may effort naman si boyfriend na kitain siya. Ang dalas nga daw ni David dito.
Huli silang nagkita nitong Mayo pero bago ‘yun matagal din silang nangulila sa isa’t isa.
“Masaya pero mahirap,” paglalarawan ni Glaiza sa relasyon nila ni David. (DELIA CUARESMA)