FINALLY, naipakilala na ni Arjo Atayde sa kanyang pamilya si Maine Mendoza. Naganap ito kamakailan nang imbitahin ni Arjo si Maine sa family dinner ng mga Atayde sa kanilang house.
‘Andun din ang lola ni Arjo. Mainit ang pagtanggap kay Maine ng pamilya. Puring-puri ni Sylvia Sanchez (Arjo’s mom) si Maine. Wala raw itong ka-ere-ere at hindi feeling super sikat.
Spotted din kamakailan sina Arjo at Maine na magkasama sa Singapore for a short vacation. Open na talaga sila sa kanilang relasyon.
INTERESADO?
Puring-puri ni Roxy Liquigan ng Star Cinema si Alden Richards sa ipinamalas nitong akting sa “Hello, Love, Goodbye.” Napakahusay daw ni Alden at para sa kanya talaga ang role.
Dahil sa papuri ni Roxy sa akting ni Alden, how true kaya ang tsika na interesado raw ang Kapamilya Network kunin si Alden? Masusubukan ang loyalty ng Pambansang Bae if ever.
Excited na ang fans mapanood ang first movie niya with Kathryn Bernardo na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.
Interesado kaming malaman kung ano’ng masasabi ni Direk Cathy sa pagtatrabaho nila ni Alden. Nasigawan kaya niya o namura si Alden?
PATAS NA
Hindi ini-expect ni Kathryn Bernardo na siya ang mananalong Movie Actress of the Year sa katatapos na PMPC Star Awards for Movies. Nanalo siya for her performance sa “The Hows of Us.”
Naka-tie ni Kathryn si Sarah Geronimo na nanalo naman sa pelikulang “Miss Granny.” Ngayong may acting award na rin si Kathryn, patas na sila ni Nadine Lustre. Nanalo itong best actress sa isang Award Giving body. Si Liza Soberano na lang ang wala pang acting award sa kanilang tatlo na itinuturing na prime young actresses ng Kapamilya Network.