Hi Ms. Rica,
Palagi po akong nagbabasa ng column niyo. May girlfriend po ako ngayon at napapansin kong mahilig siyang magyaya mag-sex. May mga araw na kakatapos lang namin ay nagyayaya na naman po siya. Masarap daw po kasi. Sabi niya, kaya pa daw niya, pero ako po ay pagod na at hindi na tumatayo. Normal lang po ba iyon para sa akin? O baka may mali na po? Gaano po ba katagal kailangan maghintay para sa Round 2?
One More Time
Hello One More Time,
Salamat sa pagbabasa ng column ko, sana ay may matutunan ka. Hmm…mukhang nasisiyahan sa iyo ang girlfriend mo kaya palagi ka niyang gustong ka-sexy time! O pwede rin namang nabibitin siya. Pero dahil sabi mo ay nasasarapan siya, then good job sa iyo!
When it comes to sex, walang rules kung gaano katagal maghintay para sa Round 2. Para sa ibang mga babae, mas madali silang magrecover at maging ready ulit compared sa mga lalaki.
Ang mga lalaki kasi ay may tinatawag na “refractory period” kung saan kailangan mo ipagpahinga at irecharge ang iyong sarili after ejaculating. During this period, hindi ka masi-stimulate to ejaculate at hindi mo rin kayang magorgasm ulit.
Gaano katagal ang kailangan mong hintayin? Well, again, walang standard time, ang oras na hihintayin ay depende sa sexual functioning ng isang lalaki. May mga lalaki na ready na ulit after 15 minutes at meron namang inaabot ng isang oras, minsan may mga lalaki na kailangan matulog muna bago maging ready ulit. Usually, ang refractory period ay as tumatagal habang tumatanda ang lalaki.
Walang refractory period ang mga babae, kaya mabilis lang makarecover ang girlfriend mo after she orgasms. Kaya huwag mo ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Kung hindi mo talaga kaya mag-Round 2 agad, you can always tell her that you need to rest.
Magcuddle muna kayo or manood ng TV. Puwede rin kayong magkwentuhan in the process. Or if she really wants to have sexy time, pwede kayo magexplore ng other ways – katulad ng oral sex or masturbation, para mastimulate siya habang nagrerecharge ka. Madami pa namang ibang paraan. 😉
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.