TSk, tsk ,tsk… Mapagbiro talaga ang kapalaran.
Mantakin mo, ang tinaguriang numero unong istasyon sa bansa nanganganib mawalan ng prangkisa at maipasara?
Oo, ito ngayon ang estado ng ABS-CBN, Parang Uber lang.
Pero kung may iba (katulad ng isang kilala naming singer) na gigil mangyari ito, may naman na tila gustong tumulong upang maayos ang gusot.
Ito daw diumano ang role ngayon ni Robin Padilla.
Malapit sa kasalukuyang administrasyon si Robin at diumano’y hinimok ito ng mga bigwigs ng ABS-CBN na “himasin” ang sitwasyon.
Paano?
Well, ayun sa tsismis pinapakiusap daw ng istasyon na magkraoon ng diyalogo sa pangulo upang mapigilan ang mga pangyayari.
Kayanin kaya ni Robin? Makinig kaya ang Pangulo sa kanya?
Madiin ang pahayag ni Pangulong Digong dati. Aniya, kahit anong mangyari, pipigilan daw niya ang renewal ng franchise ng ABS-CBN.
Inakusahan niya pa ang istasyon ng panggagantso.
Walastik!
Magkaroon kaya ng kompromiso?
Sa March 20 ng susunod na taon mag-e-expire ang prangkisa ng istasyon. Makahabol pa kaya sila?
Nagtatanong lang naman po. (DELIA CUARESMA)