PANAY ang pakilig ng Juanchoyce love team nina Juancho Trivino at Joyce Pring sa kanilang social media accounts.
Oo nga at hindi lang sa segment nila sa “Unang Hirit” nagpapakita ng kanilang love sa isa’t isa ang dalawa.
Kelan lang ay nag-hiking ang dalawa sa Mount Purro Nature Preserve sa Antipolo, Rizal.
Pinost nila ang sweet moments nila sa Instagram na ikinatuwa naman ng followers nila.
Naglagay pa si Joyce ng caption na: “anywhere with you, my love. #juanchoyce #joythtotheworld”
Sa isang post pa ni Joyce, isang bouquet of red and pink roses ang pinadala sa kanya ni Juancho.
Ilang araw pala silang hindi nagkasama dahil busy si Juancho sa pag-shoot ng isang pelikula sa malayong location. Pinaramdam ni Joyce na nami-miss na niya ito.
“Juancho’s been out of town the past couple of days filming for a new movie and we haven’t been able to spend time together since he left. One of the things he promised me when he was still courting me was, “Joyce, kahit na sagutin mo ako, kahit na matanda na tayo, liligawan pa din kita.”If he’s anything, he’s a man of his word. Uwi ka na, @juanchotrivino” caption pa ni Joyce. (RUEL J. MENDOZA)