Hi Ms. Rica,
Nagbabasa po ako palagi ng iyong column. Tanong ko lang po kung bakit hindi nabubuntis ang girlfriend ko? Nag-lolovemaking kami at pinuputok ko po sa loob. May problema po kaya ako? Lagi din po kasi ako nagma-masturbate.
Master None
Hello Master None,
Thank you for reading my column. Sana madaming kang natututunan. Sounds like you’re getting frustrated and impatient in your baby-making escapades. Nakakainip talaga ‘yan. Lalo na kung sobrang ready na kayo mag alaga ng inyong baby. Sa totoo lang, ang paggawa ng bata really takes time. Most couples take up to a couple of months to a year of trying bago sila mabuntis. As long as unprotected ang sexual intercourse niyo ay may chance kayo mabuntis.
Isa sa pinaka importanteng kailangan niyo i-consider kapag kayo ay nagsesexy time ay ang inyong timing. Para mabuntis, kailangan ay nag-oovulate ang iyong girlfriend at during that time ay may sperm na mag-fertilize sa egg at the right moment. Usually, 12-24 hours lang available ang egg after ovulation para ito ma-fertilize. Kaya dapat ay isinasabay niyo ang iyong baby-making escapades habang ang girlfriend mo ay nag-oovulate.
Kung concerned ka about your fertility at more than a year na kayo nag-ttry, baka mas mabuting magpatingin kayo sa isang doctor. Pwede kasing mayroong issue about your sexual health na nakakaapekto sa pag-try niyo mag-conceive. Anything that affects the quality of the egg, your sperm or the ability of the sperm to reach the egg ay pwedeng maka-apekto sa chances niyo na mabuntis. Kaya kailangan ng doctor para makatulong sa inyong pagbubuntis.
Gaano ka ba kadalas mag-masturbate? Ayon sa mga studies, ang pagmamasturbate ay hindi naman nakakaapekto sa quality ng iyong sperm, kaya pwede ka pa rin makabuntis kahit madalas kang mag-sarili. Don’t you worry! Baka kailangan niyo lang talagang maghintay at magpursigi para makabuo. Be patient and enjoy the process!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.