BRITISH naman ang bagong boyfriend ni Lovi Poe, ang film producer na si Montgomery Blencowe. French ang huli niyang boyfriend, si Chris Johnson.
Kasama ni Lovi si Blencowe sa isang sporting event kamakailan sa London. Mga rich sa UK ang dumalo, kabilang ang Royal Family. Bongga si Lovi, huh!
Nagkakilala sina Lovi at Montgomery noong nagbakasyon ang aktres sa USA for six months.
Komento ng ilang netizens, ang dali raw magpalit ng boyfriend ni Lovi. Mukha rin daw mahilig siya sa foreigners. Ang mga Pinoy naman niyang ex-boyfriends ay sina Cavite vice-governor Jolo Revilla, Ronald Singson at Rocco Nacino.
Tanong ng fans ni Lovi, kailan kaya nila mapapanood sa isang teleserye ang kanilang idolo? May project ba raw ang GMA7 for Lovi?
Bakit daw hindi siya nag-ge-guest sa Kapuso shows?
Mukha raw nag-e-enjoy si Lovi dumalo sa mga sosyalan kesa asikasuhin ang kanyang showbiz career. Baka wala pa naman kasing offer?