HINDI napigilan si Derek Ramsay na silipin ang social media accounts ng kanyang leading lady sa GMA primetime teleserye na “The Better Woman” na si Andrea Torres.
Hindi raw pagsu-stalk ang ginawa niya kay Andrea kundi mas gusto niyang makilala nang husto ang makakasama niya sa trabaho.
Natuwa daw si Derek nang makita niya sa IG ni Andrea na very close ito sa kanyang pamilya, especially sa kanyang mother.
Karamihan daw kasi ng photos na pinu-post ni Andrea ay kasama nito ang kanyang pamilya sa mga pagbiyahe niya sa iba’t ibang bansa.
“It’s nice to know that the person you are working with has strong family values. That is one thing na may in common kami ni Andrea, we are both very close sa aming families.
“Kapag gano’n kasi ang katrabaho ko, alam ko na magkakasundo kami.
“Ako kasi, hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko man lang nakakausap ang isa sa family members namin.
“When I travel abroad, gusto kong kasama sila. I mean, there’s nothing more important sa mundong ito like family, ‘di ba?” diin pa ni Derek.
Kaya naman sa mga maiinit na eksena nila ni Andrea, madali silang nagkasundo. Hindi na raw nila kailangan pang mag-workshop.
“Bago kami mag-shoot, nag-uusap muna kami ni Andrea para masabi ko ang mga gagawin kong movements. Ayoko kasi magulat siya at baka masampal ako!” malakas na tawa pa ni Derek.
Pagpatuloy niya: “One of the scenes na dapat abangan nila is the lap dance ni Andrea sa akin. It’s very sexy and pareho kaming kinakabahan. Pero sa awa ng Diyos, nagawa namin ng tama.” (RUEL J. MENDOZA)