HINDI naman siguro dahil ayaw niyang makita si Ruru Madrid, kaya umalis na si Miguel Tanfelix sa “Sunday Pinasaya.” Aniya, gusto niyang mag-focus sa kanyang pag-aaral.
Sunday lang daw kasi ang pahinga ni Miguel. Kahit nahihirapan siyang pagsabayin ang taping ng “Sahaya” at pag-aaral, kinakaya ni Miguel. Pursigido siyang magkaroon ng college diploma.
Third year Entrepreneur Management student si Miguel sa Dela Salle University sa Dasmarinas, Cavite. Alam niyang hindi forever ang kanyang showbiz career, kaya pursigido siyang makatapos ng pag-aaral.
May fall back siya just in case manamlay ang showbiz career niya.
Nabababawan ang ilang netizens sa dahilan ni Miguel kaya umalis siya sa “Sunday Pinasaya.” Baka raw kaya hindi na niya ma-take makita together sina Ruru at Bianca Umali? Hindi raw kaya hurting inside si Miguel?
Kahit walang inaamin ang dalawa na may “something” sila, reliable sources ang nagsasabing,” “Meron! Meron!”
DISMAYADO
Dismayado ang JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre sa balitang gagawa ng project si Nadine with Aga Muhlach. Anila, ang tagal na nilang naghihintay na muling pagsamahin sa isang movie or TV project sina James at Nadine.
More than a year nang walang project together sina James at Nadine. “Never Not Love You” ang huling pinagsamahan nila. After that, nagkanya-kanyang project na sila. Ipinareha si James kay Sarah Geronimo sa “Miss Granny.” Si Nadine naman ay kay Carlo Aquino sa “Ulan” at kay Sam Concepcion sa “Indak.”
And now, si Aga naman ang makakasama ni Nadine sa isang upcoming project. Uy! Mukhang lumelevel si Aga kay Gabby Concepcion na ipinapareha siya sa younger actresses.
Si Bea Alonzo ang leading lady ni Aga sa pelikulang “First Love.” Si Gabby naman ay nakasama sina Carla Abellana at Sunshine Dizon sa magkahiwalay na GMA series. Sina Jennylyn Mercado at Shaira Diaz sa ongoing series na “Love You Two.”
REUNION MOVIE
Nakalatag na raw ang reunion movie nina Piolo Pascual at Claudine Barretto under Star Cinema. Una silang nagtambal sa “Milan” several years ago.
May mga bagay-bagay lang daw inaayos bago simulan ang shooting ng reunion movie nina Piolo at Claudine.