Habang naka-indefinite leave ni Korina Sanchez-Roxas sa ABS-CBN bilang isa sa pinakamatinik at beteranang newscaster nito sa loob ng 30 taon, pinayagan na ng Kapamilya Network na pumasok sa negosyo ang host ng top-rating Sunday magazine show na “Rated K.”
Ito nga at padami ng padami ang gumaganda sa iba’t-ibang panig ng bansa dahil sa kanyang K Magic line of skin and hair product essentials na ineendorso niya kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng “It’s Showtime.”
Ito ay maliban sa Wonder K na gumagawa at nagdidistribute ng pinagkakaguluhan ngayong pampapayat na K Berry Slim.
Ang Wonder K at ang FDA-approved K Magic skin and hair products ng K Everyday, ay parehong produkto ng Universal K Corporation ni Korina.
Kilala na ng marami ang K Magic Skin Cream for body and for face. Kasi naman halos instant daw ang paglinis at pagputi ng balat kapag ipinahid.
“Parang magic,” sabi nga ni Korina. “I’m very happy and proud of this product kasi nagustuhan talaga ng tao. Pero kailangan din masubukan ang lahat ng products ko because they’re all effective. Pinag-isipan kong mabuti ang formulations and galing Switzerland pa ang mga ingredients.”
Ilan pa sa mga produkto ng K Magic na talagang humahataw sa merkado ay ang K Magic Happy Hair Shampoo and Conditioner; ang K Magic Anti-perspirant Whitening Deo Roll; ang K Magic Underarm Whitening Serum; ang K Magic Brightening and Moisturizing Facial Wash; ang K Magic Brightening Micellar Toner Mist; at ang paborito ng lahat na K Magic Pampa Kit at K Magic Kili Kili Kit.
Sey ni Jacque, “Sobra ako proud na napili ako ni Ate Korina para maging ambassadress ng K Magic. Nabanggit ko kasi minsan sa kanya na ginagamit ko yung Pampa Kit and Kilikili Kit at Happy Happy Hair n’ya. Ayun, biglang sabi niya, perfect daw ako na maging tagabalita sa lahat ng pagiging effective ng K Magic products.
Dagdag pa niya, “Ok lang ang heart-broken, o kulang sa pang shopping, o pagod sa work. Basta kailangan maganda ka, hahaha!”
“Matagal ko nang pinagiisipan ang K Magic,” ani Koring. “Kaya lang, siyempre naging abala ako sa trabaho ko sa Dos. Ngayong nag-file ako ng indefinite leave, mayroon na akong kalayaan at oras para sa pagpapaganda ng mga tao, na kahit sino man, abot kaya ang kagandahan. Confidence ang katapat n’yan eh. Project Ganda ko ito.”
Ang mga K Magic products ay nationwide na sa select Mercury Drug Stores at select Star Mall branches. Pwede din bumili sa Shopee at Lazada. Mayroon din sa Victory Mall Pasay, Caloocan, at Antipolo.
Available na din ito worldwide. Pumunta lang sa www.keverydayusa.com.