MASAYA ang “Starstruck 6” Avenger na si Liezel Lopez na ni-renew ng GMA Management kamakailan ang kanyang kontrata sa kumpanya.
Feeling nga daw niya she’s “very, very lucky and blessed.”
Dagdag pa niya, “I’m very grateful kasi before I joined ‘Starstruck’ sobrang wala talaga akong alam in show business. Simula nu’ng pumasok ako sa ‘Starstruck’ and tinanggap ako ng Artist Center, sobrang na-feel ko na at home na kahit ako lang mag-isa dito sa Manila. Taga-Olongapo kasi ‘yung parents ko so, parang sila na ‘yung family ko and I’m very grateful.”
Sa ngayon daw handa nang mag-level up si Liezel.
Ibig bang sabihin nito puwede na siyang magpakadaring?
“I think po nasa age naman na ako na I can be daring,” diin ni Liezel.
“Kunwari hihilingin ng role na kailangan medyo daring, merong skin na nakikita, it’s okay with me. Ayoko naman maging barrier ko ‘yung pagiging conservative type,” dagdag niya.
Well, hindi naman papahuli sa kaseksihan ang dalaga as made obvious sa mga photos niya sa Instagram na karamihan ay nakabikini lang siya.
Pero take note ang pinaka dream role niya ay hindi yung tipong senswal o mapangahas.
“Actually ang pinaka-dream role ko po talaga is ‘yung mga psycho (roles) kasi sobrang challenging,” sagot niya.
Sisa ikaw ba ‘yan? Charot! (DELIA CUARESMA)