ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Madalas ako sa beach at ito ang lagi kong napapansin. Kapag may babaeng naka-two piece lang at yumuko ito, ang kamay hindi pinantatakip ng cleavage. Pero kapag nagtapis na ng tuwalya itong babaeng naka-two piece at yumuko, biglang nagtatakip na ng cleavage! Bakit naging conscious siya nung may tuwalya na?
Paul ng Batangas
Hi Paul,
Ang tunay na nakapagtataka eh bakit nag-aabang ka ng mga babaeng yumuyuko! Kaya siguro sila biglang nagtakip ay dahil nakita ka!
* * *
Hi Alex,
Nag-iinuman kami ng barkada ko sa bahay. May pinag-usapan kami ng kumpare ko tungkol sa ex-girlfirend ko. Sakto naman na napadaan ang misis ko at nakita kaming nagbubulungan. Mula noon eh araw-araw niya na akong kinukulit na sabihin sa kanya ang pinag-uusapan namin ng kumpare ko. Nangako pa ang misis ko na kahit ano pa ang ikuwento ko ay hinding-hindi siya magagalit. Sabihin ko na ba sa misis ko?
Yves ng Tanza, Cavite
Hi Yves,
Yan ang huwag mong gagawin, ang ikuwento sa misis mo! At huwag ka rin maniniwala na hindi magagalit ang misis mo! Patibong yan! Kapag kumagat ka at nagkuwento ka, yari ka! Maniwala ka sa akin!
* * *
Hi Alex,
Maingat ako sa ngipin ko kaya madalas akong magpadentista. Ang isa sa mga sabi sa akin ng dentista ko eh kada tapos ko raw kumain eh dapat magsepilyo ako. Totoo po ba yun? Ginagawa niyo po ba yun?
Dencio ng San Juan
Hi Dencio,
Hindi totoo yan! Tatlong beses lang, pwede na! Wag naman kada-kain mo, magsesepilyo ka! Paano kapag kinain mo ang pride mo o kaya kinain mo ang salita mo, magsesepilyo ka?! Pakainin kita ng tsinelas dyan makita mo!
* * *
Hi Alex,
Mahilig magpakamot ang misis ko! Sarap na sarap siya kapag kinakamot ko siya. Kaya lang minsan nakakapagod at nakakatamad kapag gusto niya magpakamot! Ano bang gagawin ko?
Moses ng Malabon
Hi Moses,
Ang gusto mo ba eh magpakamot siya sa iba? Sige ka, mamaya, sa iba niya ipakamot yan, mataranta ka! Matuwa ka at sa’yo nagpapakamot ng kati! Ang ibang babae, kung sinu-sino ang kumakamot!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007