NAKAUSAP ng TEMPO si Michael “Mike” Acuña ang former boyfriend ng Kapuso aktres na si Kim Domingo, at kinonfirm nito na wala na nga sila.
“Yes, hiwalay na, lapit na mag-one month siguro,” sagot ni Mike nang tanungin naming sa status ng kanilang relationship.
Tatlong taon lumakad ang relasyon ng dalawa at nag live-in sila.
Tinanong ng TEMPO kung anong naging dahilan sa naunsiyaming pagsasama nila.
Sagot ni Mike, “Ayaw ko na pagusapan yan. Basta’t mutual decision namin ‘yun.”
Malungkot man, nililibang na lang daw ni Mike ang sarili sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball para sa Rizal Xentro Mall Golden Coolers sa Maharlika Pilipinas Basketball League.
Inamin ng cager na mahal na mahal pa rin niya si Kim. Umaasa siyang magkakabalikan pa rin sila.
Aminado siyang namimiss na niya ang Kapuso aktres lalo na raw yung pagaalaga sa kanya.
“Atsaka ‘yung naiinis siya sa akin kapag meron akong mali na ginagawa,” aniya.
Katulad ng? “Mga simple lang naman na pasaway na normal sa lalaki. Like, minsan katamaran, mga ganoon. Alam mo naman ang mga lalaki.”
Nagbigay din ng pahayag si Mike na “kalokohan” daw ang mga nagsasabi na gimik lang daw ang paghihiwalay nila ni Kim.
In any case, wala raw siyang balak tanggalin ang tattoo na nakalagay sa kanang braso niya na mukha ni Kim. Gusto niya nandiyan lang daw yun. (DANTE A. LAGANA)