MARIING itinanggi ni Maymay Entrata na mag-jowa na sila ng ka-love team na si Edward Barber sa kabila ng hindi matigil na spekulasyon tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Ani Maymay, hindi pa raw siya handang pumasok sa relasyon dahil marami pa raw siyang responsibilidad sa buhay.
Alam daw ni Edward ito.
“Alam niya yung priority ko – yung family ko, yung trabaho ko,” sey niya.
Pero possible kayang maging sila?
Pa-cute na sagot ni Maymay: “Sa tamang panahon.”
Lalo pang naging maugong ang mga haka-haka tungkol sa relasyon ng dalawa nang kumalat sa social media ang mga litrato ni Edward nang dalawin niya si Maymay sa Hong Kong.
Noong panahong iyon ay naging bukas si Edward sa pagsasabi na miss na niya si Maymay na kung tratuhin niya ay girlfriend na.
Siyempre pa tuwang-tuwa dito ang Mayward fans na nagnanais na maging totohanan ang partnership nina Maymay at Edward.
Antay-antay lang! (DELIA CUARESMA)