UNCONFIRMED pa kung kailan magaganap ang kasalang Angel Locsin at Neil Arce. Bulung-bulungan na diumano, November 2020 ang kanilang wedding.
Sa interbyu kay Angel ng “Rated K,” biniro siya ni Korina na sana daw wala nang bawian ng engagement ring.
Hirit ni Angel na may himig banta: “Lagot siya (Neil) sa tatay ko ‘pag nagkataon.”
Anyway, may negative comments kaming nabasa mula sa ilang netizens na kesyo hindi raw matutuloy ang kasal ng dalawa dahil maghihiwalay din ang mga ito.
MAY GANUN?
Ang siste daw kasi, hindi naman daw talaga nagtatagal ang pakikipag-relasyon ni Neil sa mga celebrity.
Una niyang nakarelasyon si Maxene Magalona, sumunod si Bela Padilla. Lahat nauwi sa hiwalayan.
Ang sa amin, huwag naman sanang judgemental ang ilan. Baka si Angel na nga talaga ang “the one” for Neil. Inalok nga ng kasal ‘di ba?
And take note, more or less than a year pa lang sila together, may marriage proposal na si Neil so, she must be his one true love.
Hindi kaya?