TUMULAK patungong Montreal sa Canada si Solenn Heussaff kamakailan.
Kasama niya sina Benjamin Alves at Adolf Alix Jr.
Ito ay para sa world premiere ng Pinoy horror movie nila na “Misterio De La Noche” sa 2019 Fantasia International Film Festival.
Tuwang-tuwa si Solenn dito, siyempre.
Ani nga niya sa isang Instagram post, “Honored to have premiered our film in Canada at the Fantasia Film festival 2019. Loved how the audience had such stimulating questions and didn’t focus on the obvious. See you soon Montreal, it was fun!”
Sobrang proud si Solenn sa pelikula.
Ito ay dahil ang karakter daw na ginampanan niya doon ay ang pinaka-challenging na ginawa niya bilang artista.
Ang “Misterio Dela Noche” ay adaptation ng Rody Vera play na “Ang Unang Aswang.”
Si Solenn nga ang aswang dito at take note, pipinakita na daw niya ang lahat sa pelikula.
Ani Solenn, kailangan daw kasi iyon dahil sa transformation niya.
Hmm, sige na nga!
Ipinalabas na rin ang pelikula sa “Marche Du Film” sa Cannes, France noong Mayo. (DELIA CUARESMA)