MULING ibinalandra ni Coleen Garcia ang maputi at makinis niyang pigi sa Instagram, kamakailan.
May dahilan naman siya at hindi ‘yung tipong gusto lang niyang paglawayin ang mga lalaking patay na patay sa kanya.
Yes, may bagong tattoo na ipinalagay ang aktres sa maselang bahaging iyon ng kanyang katawan at proud lamang siyang i-update ang mga fans ukol dito.
May pa-video pa nga ang bruha kung saan makikitang nilalagay ang tattoo ng mga salitang “my everything.”
“New ink! Billy’s handwriting straight from our wedding vows,” ayon sa aktres na ang tinutukoy ay ang asawang si Billy Crawford.
Sa isa namang video, ipinaliwanag ni Coleen kung bakit baliktad ang tattoo.
“So only I can see it,” aniya.
Arte! (DELIA CUARESMA)