MAY konting pasabik ang aktor na si Ken Chan para sa bago niyang series na “One Of The Baes.”
Idinaan niya ito sa pamamagitan ng isang photo na nilagak niya sa Instagram.
Cute na cute ang aktor sa photo, kung saan black and white ang kaniyang buhok pati na ang background.
May iba na medyo na-shock sa transformation.
Pero sa Instagram stories ni Ken kung saan kasama niya ang kaniyang hairstylist na si Bambi Fuentes, makikita na medyo brownish o auburn ang kulay ng kanyang buhok na bumagay naman sa kanya.
Muling makatatambal ni Ken sa “One Of The Baes” ang kaniyang on-screen love team partner na si Rita Daniela.
Naging matagumpay ang kanilang samahan sa hit afternoon series na “My Special Tatay” dahilan kaya nasundan kaagad ng bagong proyekto ang tandem nila.
Si Rita, may bagong look din kaya sa serye? (DELIA CUARESMA)