TILA nakahanap ng katapat si Ryan Bang.
May bagong kinagigiliwang Koreano ang madlang pipol sa “It’s Showtime.”
Ito ay si Song-yupsal na nakilala sa “KapareWho Surprise” segment ng programa.
Sa pagdating ni Song-yupsal, paulit-ulit na tinutukso ng mga co-hosts niya na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Vice Ganda si Ryan na mapapalitan na siya.
Dahil dito, nagtrend ang hashtag na #SaveRyanBang sa top 5 spots online worldwide at sa Pilipinas noong Lunes.
Obviously, ayaw nang mga madlang pipol palitan si Ryan Bang.
Pero sikat na rin si Song-yupsal na sa totoong buhay ay isang YouTube vlogger-singer na 16 years nang naninirahan sa bansa.
Ang pangalan niya? JinHo Bae.
Katulad ng #SaveRyanBang, nag-trend din ang hashtag na #JinHoBae sa top 5 spots online worldwide at sa Pilipinas.
Epektib! (DELIA CUARESMA)