NAIINTINDIHAN ni Carlo Aquino ang patuloy na nararamdamang galit ni Angelica Panganiban sa kanya.
Aminado siya na may nagawa siyang pagkakamali sa aktres kaya daw ganun.
Hindi na niya idinetalye kung ano ang kanyang nagawa pero diin niya, nag-sorry na rin daw siya ng maka-ilang beses sa dalaga.
Aniya pa nga, “Hindi naman ako magso-sorry kung alam kong hindi ako nagkamali.”
Sa usaping pinaasa niya lang ang dalaga last year, makaraang gumawa sila ng pelikula, aniya “Ganun? Hindi ko alam, e. Hindi ko na alam… Anong masasabi ko run?”
Narinig na rin ng binata ang pahayag ni Angelica na “bobo” lang siya kung papayag muli siyang magkapareha sila sa pelikula pero ayaw na rin niyang mag-komento dito.
“Para lang sa akin, kung may apoy, di mo na bubuhusan ng Gasul yun para lumaki pa,” sey ni Carlo.
“Huwag na natin siguro pahabain. Siguro ‘yung emotions niya, valid ‘yun. Kung ‘yun ang nararamdaman niya, ibigay natin sa kanya.”
Inis man siya sa patuloy na pambabatiko sa kanya ng mga fans, hahayaan na lang daw niya ang lahat.
“Lahat naman tayo nagkakamali, e. Sino ba naman yung taong perpekto? Sila (fans) din naman nagkakamali.”
Well said, Carlo. (DELIA CUARESMA)