SA interview ni Pambansang Bae Alden Richards sa “Tonight With Boy Abunda” natananong ito tungkol sa love life niya.
Inamin ni Alden na muntik na siyang magkaroon ng relasyon sa isang aktres pero hindi raw natuloy iyon dahil nagkaroon sila ng misunderstanding.
“Siguro po, there’s a point in a relationship and in life, na sometimes, no matter how strong the feelings are towards a person, minsan hindi talaga kayo nagkakaintindihan. Hindi po umabot sa naging kami,” diin ni Alden.
Sino kaya ang aktres?
Ang last official romantic relationship daw ni Alden ay noong nasa college pa siya.
“It was a long time ago. I was in college. That was the last,” pagtatapos pa ni Alden. (RUEL J. MENDOZA)