BINIDA ng source namin na “dakota” raw ang isang member ng grupo ng mga kalalakihan na lumalabas sa kilalang network.
Itago natin sya sa pangalang “gifted man” (GM).
Siyempre, inusisa namin kung paanong nasabi ng source ang ganoong bagay.
Ito daw ay dahil noong wala pa sa limelight si GM, minsan daw itong nasilipan ng isang katropa.
Ang siste, napasabak daw sa inuman itong si GM at ang katropa. Dumating sa punto na sabay tinawag ng kalikasan si GM at ang tropa.
Habang nasa banyo, hindi raw sinasadyang napatingin sa bandang ibaba ang tropa at laking gulat daw nito na makita ang malaking hinaharap ni GM.
Una’t huling nakita ni tropa ang notes ni GM dahil nga naging busy na sa mga showbiz activities ito at hindi na nakakasama sa mga inuman.
Clue? Matangkad at may pagkamoreno si GM.
Bago ito naging member ng all male group sumubok na rin itong pumasok sa showbiz.
Sa katunayan regular itong lumalabas noon sa isang show sa kalabang network at umakting na rin sa ilang drama series.
Gets ninyo na ba? Alam na this. (DANTE A. LAGANA)