Hi Ms. Rica,
Bakit po pag gising ko sa umaga ay tinitigasan po ako? May mali ba sa akin? Ibig sabihin po ba nito ay na-arouse ako sa tulog ko? Normal ba ito at kailangan ba siya i-release?
Hard Riser
Hello Hard Riser,
Ang nararanasan mo ngayon ay tinatawag na pagkakaroon ng morning erections. Actually, ang morning erections ay technically nangyayari during the night kaya ang scientific term dito ay Nocturnal Penile Tumescence.
Ang erections na ito ay nangyayari ito three to five times per night and they last around 30 minutes each. Usually, nangyayari ito during periods of Rapid Eye Movement sleep or ung time na kapag nananaginip ka. Pero unrelated ito sa kung ano man ang pinapanaginipan mo.
Madalas itong nangyayari, kaya common at normal lang ito sa mga lalaki. Sabi ng mga scientists, this is the body’s natural attempt to oxygenate your penis. Kung baga, ito ang paraan ng katawan mo para pahingahin ang penile tissue mo.
Most men will have nocturnal erections throughout their lifetime, pero ang frequency at kung gaano katagal ito nakatayo ay pwedeng magiba-iba. May mga nagkakaroon ng nocturnal erections na hindi ito napapansin dahil wala na ang erection pagkagising nila. Mayroon namang iba na nakakaranas nito everytime nagigising sila.
Ngayon, ang sagot sa tanong kung kailangan ba ito i-release ay nasasa iyo. Kung gusto mong i-release ay wala namang nakakasamang epekto ito sa iyo. May mga lalaki na nakaugalian na nagrerelease tuwing umaga regardless kung may morning wood sila o hindi. Mayroon ding hinihintay na lang na lumambot tuwing pag gising. Kung anong gusto mong gawin dito, nasa saiyo yun.
Sa totoo lang, hindi lang mga lalaki ang nakakaranas nito. May ibang mga mammals na nagkakaroon din ng nocturnal erections. Even women experience this, hindi lang ganoon kahalata. Kaya, huwag kang magalala, okay ka lang, normal ang nararanasan mo. Hope that helps!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me on Twitter or Instagram: @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.