Hi Ms. Rica,
May bestfriend po ako na babae na recently po, feeling ko nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Pero natatakot po akong sabihin. May nanliligaw po sa kaniya ngayon at sa totoo lang po, gusto ko siya sapakin kapag nakikita ko silang magkasama. Alam ko po wala ako sa lugar, pero hindi ko na maintindihan ang feelings ko ma’am. Sana po mabasa niyo ito at matulungan niyo ako.
Thank you po,
Selosong Bes
Hello Selosong Bes,
Teka lang, hinay hinay muna tayo. Unang una, sana ay huwag kang manapak. Ayaw natin ng violence. Love lang.
Having said that, madami ang katulad mong naiinlove sa kanilang bestfriend. Dahil sa pagiging close niyo sa isa’t isa at pagiging madalas magkasama, hindi naman talagang kakaiba na magkagusto kayo sa isa’t isa. Pero in this case, ikaw lang ang alam nating may gusto sa kaniya. Kung gusto ka niya ay hindi pa natin alam. Ang tanong ay: gusto mo bang malaman?
Pero bago mo sagutin ang tanong na yan, may ibang mga tanong ka pang kailangan pagisipan. Una, sa tingin mo ba ay mahal mo talaga siya? In love ka ba talaga sa kaniya o baka naman ay nagseselos ka lang at natatakot ka na mawala siya dahil may nanliligaw sa kaniyang iba? Will you put her happiness before yours? Do you wish what’s best for her? Kung saka sakaling sagutin niya ang nanliligaw sa kaniya, matutuwa ka ba para sa kanila o magagalit ka at magseselos? Magiging mitsa ba iyon ng pagiging bestfriends niyo?
Kapag naisip mo na ang mga sagot sa tanong na ito at narealize mong mahal mo talaga siya, ang sunod na isipin mo ay kung kaya mo bang magtapat sa kaniya. At kung magtatapat ka, ready ka bang tanggapin kung ano ang reaksyon niya? Ito ang mga bagay na kailangan mong pagisipan, dahil kapag nasabi mo na sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo, ang nakasalalay na lang sa iyo ay kung paano mo tatanggapin kung ano man ang sagot niya. Nakakatakot, oo. Pero dapat pagdaanan.
Totoo naman naang pinakamasayang couples ay ang mga mag-bestfriends. Madami nang mga studies na nagsasabi na kung mag bestfriends kayo ay magiging matatag at masaya ang pagsasama niyo. Pero siyempre, hindi naman ganoon kadali yun. Pwede rin naman kasi na masira ang inyong pinagsamahan dahil sa relasyon ninyo.
Pero, you will never know an answer to a question you did not ask. Hindi mo malalaman, lalo na kung itatago mo lang. Hindi ka rin magiging honest sa sarili mo at sa kaniya kung itatago mo lang. At kung itatago mo naman, mas magiging masakit ang pagsisisi kapag may boyfriend na siyang iba. Di ba?
Sana ay naliwanagan ka.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.