MULING nag-ingay sa social media si Angelica Panganiban.
Ito ay dahil diumano sa pagkakaroon niya ng “attitude.”
Ang siste, humingi lang naman pala ng pagkain ang aktres sa set ng pelikulang ginagawa niya ngayon.
Dahil sa pagsabing may attitude siya, nag-tweet ang aktres: “From now on. Hindi na ko maghahanap ng pagkain sa shoot. Attitude pala ang tawag dun. Sorry ha? Nahihiya ako sa inyo. (Nag alok naman kasi ng kape).”
Pahabol pa niya: “Haha. Mali ako. Dapat daw pumunta ako sa trabaho na busog. At kapag sinabing tumayo ka sa isang sulok, sumunod ka! kung hindi, may attitude ka.”
Nakahanap ng kakampi si Angelica sa maraming netizens. Nasa katwiran naman daw ang aktres sa paghingi nito ng makakain dahil dapat may pinu-provide na pagkain ang production sa kanilang mga kinukuhang artista.
Ani nga ng isa, “Nag-alok ng pakape, wala man lang kasamang biskwit? Pang-lamay lang. Kung may pashoot – may palamon dapat.”
Dagdag naman ng isa pa, “Di ka na-inform na bring-your-own-baon pala.”
At isa pa, “Nothing wrong to ask for food. Dapat mayroon kakainin kasi sigurado may magugutom, it is just how people interpret it that makes it ‘an attitude.’” (RUEL J. MENDOZA)