BASTED Queen ang bansag noon kay Sunshine Cruz. Aniya sa “Tonight with Boy Abunda,” binasted niya noon sina Joko Diaz, Keempee de Leon, Tonton Gutierrez at Raymart Santiago na mga nanligaw sa kanya.
Among the four, si Raymart ang muntik na niyang sagutin. Nice and gentleman kasi ito. Kapag lumalabas sila, isang battalion ang kasama ni Sunshine. Hindi kasi siya pinapayagan ng kanyang parents na makipag-date na mag-isa lang siya.
Kaya lang, nainip si Raymart. Hindi na nakapaghintay na sagutin niya ito. Hindi na ito nag-pursue sa panliligaw sa kanya.
Nice and mababait din naman sina Joko, Keempee at Tonton, ayon kay Sunshine. Masyado pa siyang bata noon. She was 16 or 17 years old then. Focused siya noon sa career, kaya ayaw pa niyang magka-boyfriend.
Ipinakilala niya si Joko sa isang kaibigan niyang aktres na naging girlfriend ni Joko. Si Angelu de Leon kaya ‘yun? Apat na beses naman niyang binasted si Keempee, ani Sunshine.
Ang nagwagi sa mga suitor noon ni Sunshine ay si Cesar Montano. Ipinangako niya sa sarili niya na isusuko lang niya ang kanyang virginity sa magi-ging husband niya. Tatlong babae ang naging anak nila ni Cesar. Nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
May iba nang family ngayon si Cesar. Happy naman si Sunshine sa boyfriend niyang si Macky Mathay.
Tatlong singsing na ang naibigay ni Macky kay Sunshine. Promise ring noong nag-40 years old siya. Eternity ring noong nag-41 siya and another one noong nag-42 siya last July. Engagement ring na kaya ang kasunod?
OPEN
Eleven years nang hiwalay sina Yayo Aguila at William Martinez. Single si Yayo for the longest time, pero hindi siya naghahanap ng lovelife, aniya sa interbyu ng “Wow! It’s Showbiz.”
Open naman siya sa mga manliligaw. Huwag lang ‘yung mas bata pa sa mga anak nila ni William. Thirty-three years old ang panganay nila.
Happy naman si Yayo with her life. Hindi niya kailangan ang isang lalaking magpapasaya sa kanya. Ayaw na niyang mag-alaga at mag-asikaso ng ibang tao. Nasanay na siyang mag-isang nagdedesisyon sa buhay.