Hi Ma’am Rica,
Nagtatrabaho ako as IT support. Kung iisipin ninyo, halos kadugtong na ng katawan ko ‘yung laptop ko kasi anytime, anywhere ako on call. As far as I can remember, kahit nung college pa lang ako, lagi na akong may kandong na laptop. Basta may mauupuan at extrang oras, nasa laptop na ako.
Ngayon ay medyo nagaalala ako na baka may epekto ‘yung radiation or something galing sa laptop ko to my balls or what at baka maging dahilan para hindi ako magka anak in the future. Or praning lang ba ako?
Thank you,
Ones and Zeros
Hi Ones and Zeros,
Every ejaculation, ang sperm count ay nasa 50 hanggang 600 million. Malaki ang agwat ng range nito dahil sensitive ang sperm. Hindi kailangan ng malaking effort para bawasan ito or maapektuhan ang kanilang swimming ability. Iba’t-ibang klase ng trauma ang puwedeng makaapekto sa dami at quality ng iyong sperm na puwedeng makadetermine kung ikaw ay magiging baby daddy in the future.
Having said that, medyo kulang tayo sa research about the effect of laptops sa sperm pero sinasabing ang heat na nagge-generate ng laptop ay maaaring maglead to scrotal hyperthermia or ang pagtaas ng temperature ng testicles. Ito ay makakaapekto sa sperm structure at ang kakayahan nilang mag-swimming. Pero wala namang information kung ito ay nagiging dahilan para sa irreversible infertility.
Mas magiging maganda kung magpunta ka sa iyong doctor para macheck mo ang iyong current status. Puwede kang magpa-sperm count at magpa-check ng health ng iyong semilya at overall health na rin para sure. Makatutulong ito para malaman kung may kailangang action ka bang gawin or i-adjust sa iyong lifestyle.
Totoo na ang init sa testicles ay isang concern regarding male infertility, kaya nga pinapayuhan ang mga lalaki na huwag masyadong madalas ang pagsusuot ng masisikip na damit na pwedeng makaipit at makapagpainit sa iyong balls, literally. Pero, pag dating sa init ng laptop, hindi pa natin masabi ang impact nito sa semen quality.
Siguro, knowing this, mas mainam kung babawasan mo na lang muna ang paggamit ng laptop sa lap at gamitin ito sa desk na nasa eye level kahit hindi ito desktop. Haha. This way, hindi ka lang makakasiguro na hindi maapektuhan ang iyong sperm quality, makakaganda pa ito ng iyong posture.
Hope that helps!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.