ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Dati po akong masamang tao. Madaming mga nasaktan at madaming nagalit. Pero ngayon po ay nagbagong buhay na ako. Nagsisimba, tumutulong sa kapwa ko at tuluyan ng nagbagong buhay. Nagbagong buhay po ako kasi gusto ko pong makasiguro na mapupunta ako sa langit. Natatakot po kasi ako sa impyerno. Sana lahat ng kabutihan na ginagawa ko ngayon eh maging bayad sa lahat ng mga kasamaang ginawa ko. Paano ko ba malalaman na sa langit ako mapupunta at hindi sa impyerno? Excited na kasi ako malaman eh.
Nanding ng Caloocan
Hi Nanding,
Excited ka na ba malaman? Kung gusto mo na malaman eh dapat mamatay ka! Gusto mo na ba mamatay? Kung gusto mo na eh di mauna ka na! Text mo na lang kami para i-confirm kung may langit o impyerno ha! Mag-selfie ka na rin dun at post mo sa FB!
Hi Alex,
Galing po kaming Baguio at ang daming nagtitinda ng strawberry taho. Nagpapabili ang misis ko pero hindi ko nabili kaya nag-away kami. Hindi kami nagpapansinan halos dalawang linggo na! Ewan ko ba bakit marami ang nasasarapan sa strawberry taho! Hindi pa ako nakakatikim kaya nagtataka ako bakit madami ang gustong bumili! Ano ba ang kaibihan ng strawberry taho sa regular na taho dito sa Maynila?
Otap ng Taguig
Hi Otap,
Anong kaibahan? Hindi ba obvious! Tanga ka ba? Eh di strawberry! Strawberry ang kaibahan! Ang problemahin mo, kung paano kaya magkakabati ng misis mo! Malayo ang Baguio! Umalis ka sa bahay niyo, mga 10 hours kang mawala! Magpamasahe ka, manuod ng sine, magrelax! Kapag pauwi ka na, bumili ka ng taho, tapos bumili ka ng strawberry syrup! Pasalubong mo sa misis mo! Sabihin mo, galing ka sa Baguio! Nakapagpahinga ka na, natanggal mo pa ang inis ng misis mo!
Hi Alex,
Ano po ba ang pwede kong gawin sa tsinelas ko na ilang beses na napuputol?
Bert ng Novaliches
Hi Bert,
Maawa ka sa kanya, pagpahingahin mo na! Pagod na pagod na siya! Hayaan mo siyang makapagpahinga!
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007