NILINAW ni Ion Perez na magkaibigan lang sila ni Vice Ganda.
Taliwas ito sa matagal nang bulong-bulungan na may “something” sa kanila.
Naintindihan ni Ion kung bakit sila natsi-tsismis ni Vice.
“Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila ganoon yung naging reaksiyon nila,” ani Ion sa isang panayam.
At kung sweet man daw sila ni Vice sa isa’t sa ito ay “biru-biruan” lamang.
Nang tanungin kung maaring mapunta sa pag-iibigan ang kanilang closeness ni Vice, sagot ni Ion: “Mahal ko po siya as a friend.”
Ano kaya ang reaksyon ni Vice dito?
Well, kung anu’t-anupaman malaki ang naitulong ng tsismis kay Ion.
Sikat na siya ngayon at pinaguusapan.
To think na nagsimula lang siya sa pagiging escort sa isang segment ng show. (DANTE A. LAGANA)