ITO ang sabi ni Julia Barretto hinggil sa akusasyon na inagaw niya si Gerald Anderson kay Bea Alonzo.
Pinagdiinan niya na walang namamagitan sa kanila ni Gerald sa kabila ng mga haka-haka.
“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi,” aniya sa panayam ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News.
Paglilinaw pa niya, hindi daw siya nililigawan ng aktor.
“May tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan…nananatili siyang matalik kong kaibigan (sa) ngayon,” diin pa ni Julia.
Okay, fine! (DELIA CUARESMA)