MARAMING kabataan ang tumitingala sa Kapuso star na si Bianca Umali.
Ito ay hindi lang dahil sa mahusay niyang pagganap ng palaban na Badjao sa patok na teleseryeng “Sahaya.”
Bagama’t maraming magandang katangian si Sahaya tulad na ang hangad nitong makamit ang kumpletong edukasyon sa likod ng paghihirap na dinaraanan, kinagigiliwan ng mga tao si Bianca dahil tila passionate na talaga ito pagdating sa usaping edukasyon.
Ito nga ang dahilan kung bakit itinalaga siyang Ambassador for Education ng World Vision.
Sa ngayon ay tumutulong si Bianca sa campaign ng World Vision na “1000 Girls.”
Ang goal ng 1000 Girls ay ang makakuha ng sponsors para sa pag-aaral ng isang libong kabataang babae bago sumapit ang International Day of the Girl on October 11.
Taker note, may sariling sponsored child si Bianca mismo at natutuwa siya na sigurado na ang pag-aaral nito.
Wish ni Bianca na marami pa ang tumugon sa kanilang kampanya. (RUEL J. MENDOZA)