GUSTO na daw mag-retire ni Sharon Cuneta sa showbiz. Ito ay matapos ang mahigit na apat na dekada na pamamayagpag bilang Megastar.
Ani Sharon, pagod na raw siya at gusto na daw niya magpahinga.
Pero siyempre dahil love nga niya daw talaga ang mag-perform, semi-retirement lang daw kung sakali ang mangyayari dahil gusto pa rin niya mag-concert at gumawa ng pelikula paminsan-minsan.
Ani Sharon sa kanyang recent post sa social media, “Since last year I have seriously been thinking of semi-retiring. I am so tired. It has been 41 years of work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili, ‘tama na.’ When will it ever be enough?
“Sometimes, you just have to put your foot down and say, it’s okay, and it’ll be okay.
“Maybe I’ll do concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.
“Sinasabi ko na sa inyo ito mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama.
“Di naman siguro ako biglang forever na mawawala…pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until mamahinga na ako and i-enjoy naman ang private life na alam kong alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti ang alam ko…I know you will understand.” (DELIA CUARESMA)