ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
May barkada ako mahilig manuod ng wrestling. Hindi yung wrestling na pang-olympics ha. Yung WWE wrestling. Yung halatang peke. Yung halatang arte lang! Pati wrestling dito pinapanuod niya rin. Ang wrestling dito PWR naman ang tawag. Nakakainis kasi alam naman na hindi totoo at acting lang pero pinapanuod pa rin niya! Halatang pinagloloko lang siya pero paniwalang-paniwala siya! Bakit naniniwala sila sa mga wrestling na peke?
David ng Cavite
Hi David,
Siguro naman nanunuod ka ng sine at teleserye? Avengers, Batman, at Harry Potter. May balita ako sa’yo, peke rin sila at arte lang. Pero maraming nanunuod, malamang pati ikaw! Sa teleserye naman, Ang Probinsiyano at Kadenang Ginto, arte at peke rin pero maraming nanunuod! Ang tawag kasi doon ay entertainment! Wag mo silang pakialaman! Relax ka lang! Kanya-kanyang trip yan. Kapag tinuloy mo pa rin yan, iba-body slam kita!
Hi Alex,
Normal ba kausapin ko ang sarili ko. Madalas kasi ako makarinig ng boses sa loob ng isip ko. Minsan, sinasagot ako kaya kinakausap ko. Minsan masaya siya, minsan galit. Pero lately, lagi nalang galit kaya nag-aaway kami. Madami tuloy tao sa paligid ko ang tingin sa akin eh nasisiraan na ng ulo kasi nakikipagtalo ako sa sarili ko! Paano ko ba maiiwasan ang makipag-usap at makipag-talo sa sarili ko?
Johane ng Quezon City
Hi Johane,
Ayaw ko sana makialam kasi away mo yan at ang sarili mo. Para maiwasan mo ang kausapin at makipagtalo sa sarili mo eh ganito ang gawin mo. Wag mo na siya sasagutin kahit nagsasalita siya! Dedmahin mo lang. Hayaan mo siya dumaldal ng dumaldal. Kapag makulit, sampalin mo! Masasaktan siya at masasaktan ka rin. Siguradong titigil siya at titigil ka rin!
Hi Alex,
Bumili ako ng isang kilong manggang hinog dahil akala ko matamis. Pagtikim ko, ang asim! Bakit may mga manggang mukhang hinog per maasim pa rin?
Ishi ng Taguig
Hi Ishi,
Ang prutas, parang tao rin yan! Don’t judge the book by its cover! May mga taong mukhang matalino pero bobo naman pala! Ganun din sa prutas!
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007