LUMAYAS ng bansa ang real life couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kamakailan lang. Ayon sa ilang sources, sa Bali, Indonesia ang destinasyon ng dalawa.
Naispatan ng ilang netizens ang pag-check nina SG at Matt sa Terminal 2 ng Manila International airport. Ayon pa sa kanila, bahagi ng selebrasyon ng anniversary ng kanilang relasyon ang bakasyon grande nilang ito.
Kapansin-pansin sa picture na walang kasamang ina o ama ang Pop Star Princess. Patunay lang na maluwag na ang parents niya sa pag-alis ng bansa habang kasama ang boyfriend.
* * *
NANALO ng best in costume si Zia Dantes, panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa luau party ng kanyang school.
Inilabas ni Marian ang pictures ni Zia sa kanyang Instagram na nakasuot ng grasskirt with matching lei. Inilabas din niya ang certificate ng panalo ng anak.
“My little Hawaiian girl Ate Z was awarded best costume at her school’s luau party. Congratulations anak,” caption ni Yan.
Sa IG ni Dong, naglabas din siya ng similar photos ng anak at naging pambungad niya sa umaga pagkagising niya “Wala aking ibang nasabi kundi, “bigyan nga ng jacket yan!”
Sa isa namang litrato, naging visitors ni Dong sina Marian at bunsong si Ziggy habang nagti-training sa sasalihang Berlin Marathon 2019.
Hindi nga lang makakasama si Marian sa pinasok na sports events ng asawa dahil kailangang alagaan ang dalawang anak.
* * *
AMINADO si Gabriel Valenciano, anak ni Gary V at Angeli Pangilinan, na dalawang beses na niyang sinubukang mag-suicide. Pero nanaig diuamano ang pagmamahal sa pamilya, mga kaibigan. Ang matatag na pananalig sa Diyos ang nagpatibay sa kanya sa sitwasyong ‘yon.
Bahagi ni Gabriel sa mahabang post sa Instagram, “I would have been part of that statistics, twice, if not for the grace of God and love for my family and friends.
“Hanging from the twenty second floor of a condominium, deliberately hurting myself and substance abuse could have been the end of my story, but I believe that my failed attempts had a greater calling and that calling is to reach out and help as many people as I can who are struggling with mental health issues through empathy and compassion.”
Payo niya sa sumasailalim sa mental health issues , “The only way to battle this is to fight together and go fight with us. Surround yourself with the right people and feed your soul with the right content.”
“You can do this. Stay alive my dear friends. You are enough and you are worth it.”
Ang hotline ng Philippine Suicice ay 896-9191 at 0917-854-9191. May kaugnay sa World Suicide Prevention Day ang post ni Gabriel. (JUN NARDO)